Mga residente, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Camiguin

Nakiisa ang mga mamamayan ng Barangay Cabuan sa isinagawang Costal Clean-up Drive sa Barangay Cabuan, Guinsiliban, Camiguin nito lamang Nobyembre 16, 2023.

Ito ay pinangunahan ng mga miyembro ng Guinsiliban Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Ranel E Puno, kasama ang mga residente ng nasabing lugar.

Walang pag-alinlangan na nagpulot at naglinis ng mga nakakalat na basura ang mga kalahok ng nasabing aktibidad.

Dito ay sako-sakong mga basura ang kanilang naipon at ang aktibidad ay naisakatuparan dahil sa pagsisikap at pagmamahal na din ng mga mamayan sa ating karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *