Coastal Clean-up drive, isinagawa sa MisOr

Nagsagawa ng coastal clean-up Drive ang mga kasapi ng Savior of the Sea Talisayan na idinaos sa Sitio Guiwanon, Talisayan, Misamis Oriental nito lamang umaga ng Nobyembre 16, 2023.

Kabalikat sa paglilinis ng naturang grupo ang Talisayan Municipal Police Station, mga kabataan, at barangay workers.

Sako-sakong basura ang nakuha mula sa naturang clean-up drive na bahagi ng pag-aalaga ng kalikasan upang mapanatili ang ganda nito at para sa susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *