Basketball Frienship Game isinagawa sa San Fernando, Bukidnon

Nagtagisan ng galing ang mga residente ng Barangay Magkalungay at Revitalized Pulis sa Barangay sa idinaos na Basketball Friendship Game na ginanap sa Magkalungay Covered Court, Magkalungay, San Fernando, Bukidnon nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2023.

Ito ay sa pangangasiwa ni Police Colonel Jovit L Culaway, Officer-In-Charge, Bukidnon Police Provincial Office. Hindi lang galing ang nahasa kundi nagkaroon din ng magandang ugnayan ang PNP at pamayanan.

Ang paglalaro ng basketball ay makakatulong sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at iwas sa anumang uri ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *