KKDAT at Sangguniang Kabataan, nakilahok sa Tree Planting Activity

Aktibong nakilahok sa Tree planting Activity ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Sangguniang Kabataan na ginanap sa Brgy. Ineangan, Dupax Del Norte, Nueva Viscaya noong ika-21 ng Nobyembre 2023. Katuwang sa aktibidad ang Dupax Del Norte Police Station sa pangunguna ni PMSg Romeo Ordoñez Jr, mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at MENRO.

Nakapagtanim ang nasabing grupo ng kabuuang 200 seedlings, 100 seedlings ng mahogani at 100 seedlings naman ng fruit bearing trees. Ito ay pagtugon sa National Awareness Month na may temang “Balon ng Buhay pahalagahan pagbabago ng klima ating tugunan”.

Layunin ng aktibidad na mataniman ang mga pook na kailangan ng mga puno upang maging sangga sa maaaring pagbaha sa panahon ng malakas na pag-ulan o kalamidad. Source: Dupax Del Norte Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *