BPATs nakiisa sa Clean-Up Drive sa Talavera, Nueva Ecija

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Clean-Up Drive ng pulisya sa Barangay Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-23 ng Nobyembre 2023.

Nanguna sa aktibidad ang mga tauhan ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company.

Nagtulungan maglinis at magwalis sa paligid ng barangay hall ang nasabing mga grupo. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maging ligtas para sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *