Force Multipliers nakiisa sa Gift-Giving sa Malolos City, Bulacan

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Gift-Giving sa mga residente ng Barangay Mojon, Malolos City, Bulacan nito lamang Lunes, ika-27 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Malolos City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Andrei Anthony S Manglo, Chief of Police.

Namahagi ng mga pre-loved na mga damit at libreng meryenda para sa mga benepisyaryo.

Layunin nito na makapaghatid ng tulong sa mga mamamayan lalo na sa mga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *