Police Visibility at Barangay Visitation nilahukan ng Force Multipliers

Nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang police visibility at barangay visition sa Zone 4, Brgy. Angeles, Tayabas City, Quezon nito lamang Lunes, Nobyembre 27, 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tayabas City Police Station katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).

Layunin ng aktibidad na ipamalas sa mga mamamayan na may nagpapatupad ng police visibility sa lugar upang maiwasan ang paglaganap ng krimen at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *