Force Multipliers, nakilahok sa Tree Planting at Coastal Clean-up Drive Activity sa Iloilo

Iloilo-Aktibong nakilahok sa tree planting at coastal clean-up drive activity ang mga miyembro Brgy. Parara Norte Coastal Area sa Tigbauan, Iloilo nito lamang ika-1 ng Disyembre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang 1st Iloilo PMFC, Tigbauan MPS, Faith Based Volunteers, BFP Tigbauan, Philippine Coast Guard Tigbauan Sub-Station, Citizens Crime Watch, MENRO at Brgy. Official’s ng nasabing lugar.

Layunin ng grupo na mapanatili ang kalikasan at kaligtasan ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at pagsasaayos ng dalampasigan.

Ang ganitong mga hakbang ay nagpapakita ng pakikiisa ng mga iba’t ibang sektor ng lipunan upang pangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *