Advocacy Support Group, nakilahok sa Province-Wide Clean-Up Drive Activity sa Capiz

Aktibong nakilahok ang mga miyembre ng Advocacy Support Group sa isinagawang province-wide simultaneous clean-up drive na tinaguriang CATINLO 2023 (Capiz) sa Brgy. Balogo, Pilar, Capiz nito lamang ika-28 ng Nobyembre 2023.

Naging bahagi sa aktibidad ang Capiz Environment and Natural Resources Office (CAPENRO), katuwang ang Pilar MPS at iba pang mga volunteers.

Ang aktibidad na ito ay nagsilbing pagkakataon upang ipakita ng grupo ang kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa kalikasan at ang kanilang pagtutok sa pagpapabuti ng kalagayan ng komunidad.

Ang pakikiisa ng mga ahensya ng gobyerno at ng kapulisan sa ganitong mga gawain ay patunay na ang kooperasyon at pagtutulungan ay mahalagang pundasyon sa pagpapaunlad ng ating komunidad at kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *