Grade 10 Students nagtapos sa isinagawang Project R.E.A.D.Y Seminar sa Taguig City
Masayang nakapagtapos ang mga mag-aaral mula sa Grade 10 ng Maharlika Integrated School, Brgy Maharlika Village Taguig City sa isinagawang PROJECT READY (Resistance Education Against Drugs for the Youth) Seminar nito lamang Martes, Nobyembre 28, 2023.
Naisagawa ang programa sa pamamagitan ng inisyatibo ng mga tauhan ng 7th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO.
Nakapaloob sa nasabing seminar ang apat (4) na module na tinalakay sa mga estudyante ng Grade 10 .
Lahat ng mga mag-aaral ay binigyan ng Certificate of Completion at gayundin ang mga gurong nakiisa at nagbigay ng suporta sa gawaing ito.
Layunin naman ng programang ito na palawakin pa ang mga kalaman ng mga kabataan pagdating sa ilegal na droga upang hindi mahikayat na gumamit nito.