Kaligkasan Warriors nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Limay, Bataan

Nakiisa ang Kaligkasan Warrior sa isinagawang coastal clean-up drive sa Barangay Lamao, Limay, Bataan nito lamang Biyernes, ika-1 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Elias L Tait, Force Commander.

Nagtulong-tulong sa paglilinis ng dalampasigan kung saan pinulot ang mga plastik na nakakalat sa lugar. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *