Gift-Giving isinagawa sa San Clemente, Tarlac

Nagtulungan ang pulisya at stakeholders sa isinagawang Gift-Giving Activity para sa mga batang mag-aaral ng Maasin Elementary School, Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac nito lamang Sabado, ika-2 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga miyembro ng Traveler Friends sa pamumuno ni Arch. Emerson Sicangco.

Nagkaroon ng pamimigay ng school supplies, food packs, at tsinelas para sa mga benepisyaryo. Patuloy ang maigting na ugnayan ng pulisya at mga stakeholders upang makapagbigay ng tulong at saya sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *