Women Advocacy Support Group, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Morong, Bataan

Nakiisa ang mga miyembro ng Women Advocacy Support Group sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Mabayo, Morong, Bataan nito lamang Linggo, ika-3 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company. Tulong-tulong namulot ng mga plastik na nakakalat at sumisira sa magandang tanawin ng dagat.

Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at mamamayan upang mapanatili ang kagandahan ng karagatan at maging luntian ang kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *