Tree Planting Activity, pinangunahan ng Masonic Lodge 420 at 4th Platoon 1st Nueva Vizcaya PMFC

Pinangunahan ng Masonic Lodge 420 ang isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Madiangat, Quezon, Nueva Vizcaya, bandang 8:25 ng umaga nito lamang Disyembre 3, 2023.

Katuwang dito ang tauhan ng Quezon Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PMSg Alejandro B. Engaran. Layunin ng aktibidad na ito na ipakita ang pagiging makakalikasan sa pagtupad sa responsibilidad bilang tagapangasiwa sa ligtas at malinis na kapaligiran.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng mga grupong makakalikasan sa kapulisan sa pagsasagawa ng pagtatanim ng puno upang bigyan pansin ang suliraning pang kapaligiran ay nagbibigay liwanag at pag-asa sa susunod na henerasyon.

Dagdag pa dito, ang ganitong uri ng aktibidad ay pinapaigting din ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan upang sama-samang harapin ang mga hamon tungo sa maayos, ligtas at payapang kapaligiran.

Source: NVPMFC PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *