Maagang Pamasko para sa 300 residente, idinaos sa Sultan Kudarat

Idinaos ang pamimigay ng maagang pamasko para sa 300 residente ng Barangay Datablao, Columbio, Sultan Kudarat nito lamang ika-3 ng Disyembre 2023.

Matagumpay na naisakatuparan ang pamamahagi ng mga food packs, grocery items na pang noche buena sa mga naturang benepisyaryo sa tulong ng mga kawani ng BLGU-Datablao, 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, Columbio PNP, Philippine Army at Barangay Peace Action Team (BPATs).

Isinagawa ang maagang pamamahagi ng pamaskong regalo para sa mga bata at matatanda upang iparamdam ang tunay na simbolo ng espiritu ng kapaskuhan at sa ganitong paraan ay maramdaman ng bawat isa ang kahalagahan ng pagbibigayan, rekonsilasyon at maging ang pagpapatawad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *