Miyembro ng KKDAT, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Antique

Antique- Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Drogra at Terorismo (KKDAT)sa isinagawang Tree Planting Activity sa SO Igpatuyaw, Brgy Poblacion, Sebaste, Antique nito lamang ika-8 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga mag-aaral ng Grade 12, mga guro, at kawani ng St. Blaise High School kasama ang mga tauhan ng Sebaste MPS, BFP, LGU ng Sebaste (MENRO at MDRRMO), KKDAT, at BPATs.

Layunin ng aktibidad na pangalagaan ang ating ecosystem at makatulong sa pagbawas ng epekto ng pagbabago ng klima.

Ang naturang grupo ay nagpapakita ang pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan at pagtulong sa pagtugon sa mga hamon na dulot ng pagbabago ng klima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *