DepEd Simultaneous Tree Planting, isinagawa sa Palapag Northern Samar

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral at guro ng Bagacay Elementary School sa isinagawang DepEd Simultaneous Tree Planting sa Brgy. Bagacay, Palapag Northern Samar nito lamang Disyembre 6, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga miyembro Revitalized Pulis sa Barangay Auxiliary at Security Team ng Barangay Bagacay kasama ang mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.

Ang naturang aktibidad ay tinaguriang DepEd’s 236,000 Trees- a Christmas Gift para sa mga bata na naglalayong itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran at itanim ang responsibilidad sa kapaligiran sa mga batang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *