Mga bagong Aklat, handog ng Advocacy Support Group
Nakatanggap ng mga bagong Aklat at babasahin ang Villa Miranda Integrated School (VMIS) sa Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela mula sa Advocacy Support Groups, kapulisan, at kasundalunan nitong Biyernes, ika-8 ng Disyembre 2023.
Pinangunahan ang proyektong ito na binansagang “Akyat-Aklatan” ng Sierra Falcones Cagayan Valley at Greater Northern Luzon. Kasama ang Valley Cops, kasundaluhan, Rotaract Club of Tuguegarao Citadel, at Youth For Peace Isabela Chapter ay pormal ng ibinigay sa nabanggit na paaralan ang mga libro sa pamamagitan ng isang simpleng programa na dinaluhan ng mga mag-aaral mula Grade 1-6, mga guro, magulang, at Brgy. Officials.
Tinatayang nasa 380 na mag-aaral ang makikinabang sa proyektong ito ng Advocacy Support Groups. Samantala, hinikayat naman ni Mark Djeron Tumabao, Regional President ng Sierra Falcones Cagayan Valley ang mga kabataan na magbasa ng mga libro at mag-aral ng mabuti.
Layon ng programang ito na makapagbigay ng educational materials para sa mga mag-aaral na nasa malalayo at liblib na lugar.