BPATs Skills Enhancement Training isinagawa sa Tarlac City

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Skills Enhancement Training sa Barangay Ungot, Tarlac City nito lamang Miyekules, ika-6 ng Disyembre 2023.

Nanguna sa aktibidad ang mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Evangeline P Ortiz, Chief of Police.

Binigyan kaalaman ng pulisya ang mga BPATs patungkol sa kanilang mga tungkulin bilang tagapagpanatili ng kaayusan sa barangay. N

aturuan din ng mga handcuffing at arresting techiniques na makakatulong sa kanilang trabaho. Patuloy ang maigting na pagsasanay para sa mga BPATs upang magampanan ang kanilang tungkulin na panatiliin ang kaayusan at kapayapaan ng kanilang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *