LGBT Advocacy Support Groups, pinangunahan ang Zumba Dance Activity sa Alilem, Ilocos Sur

Nagsagawa ng Zumba Dance Activity ang LGBT Advocacy Support Groups sa harap ng Alilem LGU, Brgy. Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur nito lamang ika-10 ng Disyembre 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang KKDAT members, LGU Alilem, at Alilem PNP na pinapangunahan ni Police Captain Giron M Oncheta, Officer-in-Charge. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mamamayan na ugaliing mag ehersisyo upang magkaroon ng magandang pangangatawan nang sa gayon ay hindi sila madaling tamaan ng mga sakit.

Patuloy naman ang iba’t ibang organisasyon sa munisipalidad ng Alilem, Ilocos Sur sa pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan aktibong nakikilahok ang mamamayan, lalo na ang mga kabataan.

Source: Alilem Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *