Force Multipliers nagsagawa ng Community Outreach Program sa Gerona, Tarlac

Nagsagawa ang mga miyembro ng Confederation of Ilocano Association Inc. o CIASI ng Community Outreach Program para sa mga mag-aaral ng Malayep Elementary School sa Barangay Malayep, Tarlac nito lamang Martes, ika-12 ng Disyembre 2023.

Katuwang sa pagbibigay ng tulong ang mga tauhan ng Gerona Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Marinell M Abatayo.

Nagkaroon ng feeding program at pamimigay ng libreng tsinelas para sa 150 na benepisyaryo ng naturang aktibidad.

Sinisiguro ng mga miyembro ng force multipliers na patuloy ang kanilang paghahatid serbisyo sa mga mamamayan kaagapay ang PNP tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *