BPATs, sumailalim sa Training ng Arresting Techniques sa Dimasalang, Masbate

Dimasalang, Mastabe- Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang isinagawang Training on Arresting Technique sa Barangay Multi Purpose Hall, Dimasalang, Masbate nito lamang ika- 12 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Raymundo C Aviso Jr. MESPO ng Dimasalang MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Czar Pancho B Avila, Chief of Police.

Layunin ng isinagawang pagsasanay na mabigyan ang mga miyembro ng BPATs ng karagdagang kaalaman at maturuan ang bawat isa ng wastong pamamaraan ng pagpoposas at pag-aresto sa mga masasamang loob bilang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *