Pamaskong Handog Year 2, naisagawa sa tulong ng Advocacy Support Groups at Stakeholders sa Taguig City
Maagang nakatanggap ang mga kabataan ng pamasko matapos magsagawa ng Pamaskong Handog Year 2 ang mga Advocacy Support Groups at Stakeholders na ginanap sa SPD Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City . nito lamang Linggo, Disyembre 10, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Goodfellow Foundation kasama ang Fab Circle Group, Zumbagoldies, SPD2 Zumba na pinamumunuan ni Ms. Ma. Nora O. Ramos, Zumba President at Barangay Western Bicutan, Taguig City sa pakikipagtulungan ni Dr. Vincent Sy Chan, Founder, Brixton Hills Volunteer Fire Brigade at Founder. Katuwang din dito ang mga tauhan ng District Community Affairs and Development Division (DCADD), sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Jenny DC Tecson, Chief, DCADD.
Naisakatuparan ang programa sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies, sapatos at iba’t ibang goodies/food packs sa mga napiling benepisyaryo (indigent families) na naninirahan sa Western Bicutan, Taguig City .
May humigit-kumulang 100 benepisyaryo ang nabiyayaan sa nasabing aktibidad.
Nagpapasalamat din ang mga ito sa tulong at regalong ipinagkaloob sa kanila. Layunin ng aktibidad na lalong palakasin ang ugnayan ng mga Advocacy Support Groups at PNP sa komunidad ngayong nalalapit na ang kapaskuhan upang iparamdam sa ating mga kababayan ang tunay na diwa ng pasko.