Bike Ride para sa World AIDS Day, nilahukan ng Advocacy Support Group sa San Juan City

Masayang nilahukan ng mga Advocacy Support Group ang isinagawang Bike Ride para sa pag gunita ng World Aids Day na ginanap sa harap ng San Juan City Hall, Pinaglabanan St, Brgy. Corazon de Jesus, San Juan City nito lamang Biyernes, Disyembre 8, 2023.

Ito ay pinangunahan ni ni Dra. Mitzi A. Tanchoco ng Local Government of San Juan, City Health Office kasama ang mga miyembro ng KKDAT San Juan Chapter, San Juaneños Cycling Community, mga tauhan ng SCADS at Bike Patrollers ng San Juan City Police Station.

Ang Bike Ride para sa World AIDS Day ay may temang: “Let Communities Lead” Nagsagawa rin ng libreng AIDS testing ang City Health Office kasama ang DOH para sa mga kalahok.

Ito ay naglalayong isulong ang kamalayan sa AIDS at palakasin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Advocacy Support Groups bilang mga tagapagtaguyod sa kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *