Checkpoint of Joy, nilahukan ng Force Multipliers sa Cebu City

Nakilahok ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Checkpoint of Joy sa Barangay Hall, Page San Nicolas, Cebu City nito lamang ika-16 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Sawang Calero Police Station 6, sa pamumuno ni Police Major Francis Renz Liquigan Talosig, Station Commander, katuwang ang Police Transformation and Development (SAGPTD) sa pangunguna ni Yvonne C Barandog, Advisory Group Chairwoman, Hon Melinda Desamparado, Vice Chairwoman at Faith Based Group.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng saya at ngiti ang ating mga kababayang driver, na kung saan dali-daling pinara ng naturang grupo ang mga driver na dumadaan sa nasabing lugar upang personal na iabot ang groceries na siyang labis na ikinagulat at ikinatuwa ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *