Advocacy Support Group at PNP, nagkaisa sa Community Outreach Program sa Biliran
Nagsagawa ang mga Advocacy Support Group at kapulisan ng Community Outreach Program sa Brgy. Imelda, Naval, Biliran nito lamang Disyembre 17, 2023.
Katuwang sa aktibidad ang Local Government Unit Naval, mga tauhan ng Naval Municipal Police Station, Barangay Imelda Officials, BHWs, Eastern Visayas Eagles Region, Biliran Eagles District BFP, BJMP, MAGPTD Members, Philippine Army, Biliran Rider’s Club, Business Sector, Religious Sector at mga stakeholders.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng Food packs, Tsinelas at Sport Equipment, Feeding Activity, , libreng Manicure, Pedicure, Haircut.
Tinalakay din ang tungkol sa VAWC, Internal Security Operation, ELCAC, Campaign Against Illegal Drugs, Human Rights at salita ng Diyos kaugnay sa DILG BIDA Program, sa pagpapatupad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN, Ugnayan ng Simbahan, Sundalo at Pulisya –Kadre at Pamayanan Laban sa Insurhensiya (USSAP-KAPI) USSAP-KAPI Activity.
Tuloy-tuloy ang mga Advocacy Support Group na maghatid ng serbisyo sa mga mamamayan kaagapay ang PNP lalo na sa lubos na nangangailangan.