FNKN, nakiisa sa Gift-Giving sa Cabangan, Zambales

Nakiisa ang mga miyembro ng Foreign National Keepers Network (FNKN) sa isinagawang Gift-Giving para sa ating mga katutubo sa Sitio Lahong, Barangay Cadmang, Cabangan, Zambales nito lamang Huwebes, ika-14 ng Disyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Cabangan Municipal Police Station, mga miyembro ng Rotary Club Hongkong Chapter, Samahan ng Ilokano at iba pang Non-Government Organization. Tulong-tulong sa pamimigay ng noche buena packs, grocery packs, mga laruan, candies at premyo para sa ating mga katutubong Aeta sa naturang lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at iba pang stakeholders upang makapaghatid ng tulong sa mga ating katutubo na nakatira sa malalayong lugar lalo na ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *