Kaligkasan Warrior nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Limay, Bataan

Nakiisa ang mga Kaligkasan Warrior sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Lamo, Limay, Bataan nito lamang Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Elias Tait, Force Commander.

Nakilahok rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Women Sector. Nagtulungan sa paglilinis ng dalampasigan sa pamamagitan ng pagpulot ng mga plastik at basura na nakakalat sa lugar.

Hinihikayat lahat ng mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *