Clean-Up Drive at Tree Planting Activity nilahukan ng Advocacy Support Groups

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang isinagawang Clean-Up Drive at Tree Planting Activity sa Villa Benilda, Centennial 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City nito lamang Martes, Disyembre 19, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ginoong Primitivo M. Crispo, Presidente ng Pasig CPS Advocacy Support Group PHMI kasama ang mga miyembro ng KKDAT Pasig katuwang ang Station Community Affairs and Development Section ng Pasig City Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Celerino M Sacro Jr, Chief of Police ng nasabing istasyon.

Ang aktibidad ay naglalayong itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran, palakasin ang mga kasalukuyang inisyatiba kaugnay sa pag-unlad ng komunidad at tiyaking pinangangasiwaan ang maayos na pagtatapon ng mga basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *