Skills Enhancement Training, nilahukan ng BPAT’s sa Castilla Sorsogon

Castilla, Sorsogon- Aktibong dumalo ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang isinagawang Skills Enhancement Training na ginanap sa Barangay Dinapa Castilla Sorsogon nitong ika-18 ng Disyembre 2023.

Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng mga personahe ng Castilla Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj John Angelo S Romeroso, Offier-in-Charge ng Castilla MPS. Bahagi ng isinagawang pagsasanay ang aktuwal na pagtuturo ng tamang pag-aresto at pagpoposas.

Layunin nitong hubugin ang kanilang kakayahan bilang isang Force Multipliers ng PNP upang maayos nilang magampanan ang mga kanilang mga tungkulin. Patuloy ang Pambansang Pulisya na magbibigay ng mga kaalaman sa mga Force Multiplier upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *