KKDAT Dita Chapter at Women’s Group, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Sorosogon

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Dita Chapter at Womens Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Dita, Gubat Sorsogon nitong Disyembre 19, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng R-PSB Sorsogon 1st PMFC sa pamumuno ni PLtCol Joedan M Loteriña, Force Commander.

Nagtulong-tulong ang bawat kalahok sa pagtatanim na may layuning madagdagan ang mga punong kahoy sa lugar upang maging karagdagang proteksyon kapag may dumarating na kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *