Faith-Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Mayantoc, Tarlac

Nakiisa ang miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Gayong-gayong, Mayantoc, Tarlac nito lamang Martes, ika-19 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Second Provincial Mobile Force Company, Tarlac PNP sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ford B Sudaypan, Force Commander.

Kasama rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Overlanding 2300 Company, mga tauhan ng 304th Maneuver Company, RMFB3 at iba pang Advocacy Support Groups.

Namigay ng mga regalo, tsinelas, food packs , pre-loved na damit para sa ating mga katutubo na nakatira sa lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa ating mga katutubo na nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *