Livelihood Program isinagawa sa Las Piñas City
Masayang nakiisa ang mg Grupo ng Kababihan sa isinagawang Livelihood Program na ginanap sa Lanzones St, Brgy Talon Uno, Las Piñas City nito lamang umaga ng Miyerkules, ika-20 ng Disyembre 2023.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa tulong ng mga kapulisan mula sa Las Piñas City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jaime O Santos, Chief of Police ng isatasyon. Tinuruan ang mga ito kung paano magsimula ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng Rug making.
Ang programang pangkabuhayan ay naglalayong mapabuti ang estado ng buhay ng sektor ng mga kababaihan na kabilang sa may mga mababang kita o mga walang trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga trabaho at pagkakataon na magkaroon ng negosyo, at iba pang uri ng tulong.