Community Outreach Program isinagawa sa Concepcion, Tarlac

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Community Outreach Program para sa mga residente ng Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-20 ng Disyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Tarlac PNP, Philippine Army at miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng libreng konsulta ng presyon ng dugo at pamimigay ng mga grocery packs at mga regalo sa mga benepisyaryo. Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na ang mga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *