Gift-Giving Activity isinagawa sa Dinalungan, Aurora

Nagtulungan ang pulisya at stakeholders sa isinagawang Gift-Giving Activity para sa ating mga katutubong Dumagat sa Barangay Nipoo, Dinalungan, Aurora nito lamang Huwebes, ika-21 ng Disyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang tauhan ng Second Provincial Mobile Force Company, Aurora PNP at mga tauhan ng Camp Andrei Resort.

Namahagi ng mga grocery packs na naglalaman ng pang-noche buena para sa ating mga katutubo.

Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at stakeholders upang makapaghatid ng tulong at saya sa ating mga katutubo na nakatira sa malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *