BPATs nakiisa sa Tree Planting Activity sa Flora, Apayao

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Tree Planting Activity ng mga awtoridad sa Flora, Apayao nito lamang Disyembre 21, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Cenon C Manguba Jr., Officer-In-Charge ng Flora Municipal Police Station, katuwang ang mga Barangay Officials ng nasabing barangay.

Sa pagkakaisa ng grupo ay naitanim ang nasa 20 narra seedlings. Ang ganitong mga gawain ay nagpapakita ng pagkakaisa at dedikasyon ng naturang grupo at iba’t ibang sektor ng lipunan upang pangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *