BPATs, nakiisa sa pagpapatrolya sa Santa Ignacia, Tarlac

Nagkaisa ang pulisya at Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa pagbabantay ng katahimikan sa Barangay Pinpinas, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-4 ng Enero, 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Joseph B Morden, Chief of Police. Sama-sama sa pagsasagawa ng Beat Patrol sa lugar kung saan ipinatupad nila ang curfew hours sa lugar.

Sinisiguro ng pulisya at BPATs na patuloy na magsasagawa ng aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *