KKDAT nakiisa sa dayalogo ng MPD PNP
Nakiisa ang mga estudyante ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology na kabilang sa Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) sa isinagawang dayalogo ng Manila Police District PNP sa Sta. Mesa Manila nito lamang Huwebes, Enero 4, 2024.
Ang aktibidad naisagawa sa inisyatibo ng tauhan ng SCADS/SPSMS sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dionelle E Brannon Station Commander ng Sta. Mesa Station.
Tinalakay ang patungkol sa Drug Awareness Information Drive, Anti RAPE Law (RA 8353), Violence Against Women’s and their Children (RA 9262), Awareness on Anti-illegal Drugs, Basag Kotse, 8 Focus Crime, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC or E.O #70.
Layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng mga taga-barangay sa mga batas, krimen, droga at insurhensya para maiwasang maging biktima nito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.