Brgy. Based Group ng Amulung Cagayan nagsagawa ng Clean-up Drive Activity

Isang clean-up drive ang isinagawa ng mga miyembro ng Barangay Based Group sa Bayan ng Amulung partikular sa Barangay  Annafatan Amulung Cagayan na ginanap ngayon araw ika-6 ng Enero 2023.

Aktibong pinangunahan ni Barangay Captain Michael Baril kasama ang kanyang mga Kagawad, Tanods, Barangay Health Workers at Secretary ang nabanggit na aktibidad. Kasama sa aktibidad ang mga kapulisan ng 3rd Mobile Force Platoon ng 1st Cagayan PMFC sa pangunguna ni Police Captain Sherwin Wyeth Limun, Platoon Leader, mga Sangguniang Kabataan, pati na ang mga residente ng naturang lugar.

Ang aktibidad ay isang paraan ng pagpapakita ng makakalikasan at para mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit. Dagdag nito, ang aktibidad ay alinsunod sa paglulunsad ng kalinisan sa Bagong Pilipinas Program.

Source: 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *