Miyembro ng Church of God International, namahagi ng pitonb wheelchairs sa mga PWD sa Cam Sur

Nabua, Camarines Sur-  Naghandog ng bagong pitong wheelchair ang mga miyembro ng Church of God International sa mga Person with Disablity ng Barangay Topas Proper, Nabua, Camarines Sur nitong Enero 4, 2024.  

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng Church of God International sa pangunguna ni Mr. Allan Manansala, katuwang ang mga personahe ng Nabua Municipal Police Station.  

Labis ang kasiyahan ng ating mga kababayang PWD sa natanggap nilang bagong wheelchair dahil malaking tulong ito sa pang araw-araw na kanilang pamumuhay lalo na sa kanilang iniindang kapansanan.  

Patuloy ang Church of God International katuwang ang PNP sa paghahatid ng ganitong aktibidad upang makatulong sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *