Faith-Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Limay, Bataan

Nakiisa ang Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay St. Francis II, Limay, Bataan nito lamang Biyernes, ika-5 ng Enero 2024.

Nanguna sa aktibidad ang mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company, kasama si Pastora Nelly Purgatorio, Faith Based Volunteer.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng pamimigay ng food packs at lecture patungkol sa crime prevention tips. Nagbahagi rin si Pastora Purgatorio ng mga Salita ng Diyos mula sa Bibliya.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng tulong at mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan upang makaiwas sa anumang krimen na maaaring mangyari sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *