KKDAT Gattaran Chapter, nakiisa sa Nationwide Simultaneous Clean-Up Drive

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Annual Community Development Day, nakiisa ang Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) Gattaran Chapter sa isinagawang Nationwide Simultaneous Clean-up drive sa Barangay Centro Norte Gattaran Cagayan noong Enero 6,2024.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan mula Gattaran Police Station sa pamumuno ni Police Major Gary H Macadangdang, Chief of Police, 2nd Mobile Force Platoon ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, mga miyembro ng Sangguniang Kabataan, mga Barangay Peacekeeping Action Team, Barangay Based Group, Women sector at iba pang advocacy groups.

Saku-sakong basura naman ang nakolekta ng mga grupo sa tabi ng ilog at paligid ng kalsada ng nabanggit na barangay.

Layunin ng nasabing aktibidad ang mapanatiling malinis ang kapaligiran at magbigay kamalayan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na pamayanan upang mapangalagaan ang inang kalikasan.

Dagdag nito, nagpapakita din ng diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, pulisya at ibat’t ibang sektor ng lipunan para sa ikakaunlad ng komunidad.

Source: Gattaran PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *