KKDAT Calauan Chapter nakiisa sa Talakayan/Dayalogo at Koordinasyon ng Calauan PNP

Nakiisa ang KKDAT Calauan Chapter sa isinagawang talakayan o dayalogo at koordinasyon ng Calauan PNP sa Brgy. Silangan, Calauan, Laguna nito lamang Linggo, Enero 7, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Al Raymond Geminiano, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Philip T Aguilar, Acting Chief of Police ng Calauan Municipal Station. Tinalakay ang patungkol sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Men Opposed to Violence against women Everywhere (MOVE), Simbahan at Mamayan (KASIMBAYANAN), RA 9262 o Violence Against Women’s and their Children at PNP’s Anti-Criminality Campaign.

Layunin nitong mapaigting at madagdagan ang mga kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan, batas, krimen, at droga para maiwasang maging biktima nito, malayo sa anumang kapahamakan at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *