KKDAT, nakiisa sa Clean-up Drive Activity sa Capiz
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang clean-up drive sa Barangay Atiplo, Mambusao, Capiz nito lamang ika-6 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay bahagi ng Nationwide Simultaneous Clean-up Drive na kaugnay sa launching ng DILG’s KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) Program na pinangunahan ng Mambusao Municipal Police Station na dinaluhan din ng mga staff ng Municipal Local Government Operations Office ng Capiz, Barangay Based Advocacy Group at Kabataan Kontra Droga at Terorismo.
Nilikom at hinakot ng mga kalahok ang mga basura sa mga daan at kanal na maaring pamugaran ng lamok na magdudulot ng sakit sa mga residente ng nasabing lugar.
Layunin ng grupo na hikayatin ang mga kababayan natin na makiisa sa mga ganitong aktibidad upang mapanatili at mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan.