Advocacy Support Group, nakiisa sa Nationwide Simultaneous Clean-up Drive sa Eastern Samar
Nagkaisa ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang Nationwide Simultaneous Clean-up Drive sa Brgy. Buenavista, Quinapondan, Eastern Samar nito lamang Enero 6, 2024.
Ito ay nilahukan ng mga Force Multipliers, Barangay Officials, mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company at mga residente ng nasabing lugar.
Ang aktibidad ay tinaguriang KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan).
Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang nag-aambag sa pisikal na kagandahan ng komunidad ngunit nagpapalakas din ng pagkakaisa at pagkakaroon ng shared responsibility.