Stakeholder’s, nakiisa sa Community Outreach Program sa Iloilo

Aktibong nakiisa ang mga stakeholders sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Barosbos, Carles, Iloilo nito lamang ika-2 ng Enero 2024.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Carles Municipal Police Station ang aktibidad kasama ang mga stakeholders na kung saan ay namahagi ang mga kapulisan ng gift packs, libreng meryenda na sinabayan ng ilang mga masayang laro para sa mga bata ng nasabing lugar.

Labis ang pasasalamat ng mga residente sa handog na tulong at kasiyahan ng grupo at ng kapulisan.

Ang ganitong mga aktibidad ng grupo ay nagpapakita ng dedikasyon sa pag-aalaga at pagmamahal sa kapakanan ng komunidad at ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *