Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Drive sa Eastern Samar

Aktibong nakiisa ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Drive sa Brgy. Pangabutan, Taft, Eastern Samar nito lamang Martes ika-2 ng Enero 2023.

Ito ay inisyatiba ng mga tauhan ng Taft Municipal Police Station kasama ang mga Values Life Coach, 4Ps Beneficiciaries, Barangay Officials ng Brgy. Gayam at Sangguniang Kabataan ang pagtatanim ng puno ng cacao at jackfruit trees sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong turuan ang mga tao sa paglaban sa polusyon at bawasan ang mga epekto ng polusyon, pagbabago ng klima at pagsulong ng kalusugan at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *