Skills Enhancement Training, nilahukan ng BPAT’s sa Sultan Kudarat

Aktibong dumalo ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Skills Enhancement Training na ginanap sa Barangay Datu Karon, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang umaga ng Huwebes, Enero 11, 2024. Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng mga personahe ng 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company.

Bahagi ng isinagawang pagsasanay ang aktwal na pagtuturo ng tamang pag-aresto, at gun safety rules.

Layunin ng pagsasanay na hubugin ang kakayahan ng mga Force Multipliers ng PNP upang maayos nilang magampanan ang mga kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *