BPATs, aktibong nakiisa sa Clean-up Drive
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang clean-up drive sa Barangay Mungayang, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-10 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Kiangan Municipal Police Station kasama ang BLGU-Mungayang, Mungayang National High School, Child Development Worker, Mungayang Farmers Organization, Mungayang Womens Organization at Sta. Clara Inc.
Sama-samang pinulot at hinakot ng mga kalahok ang mga basura sa mga daan, kalsada, at kanal na maaaring pamugaran ng lamok na magdudulot ng ano mang sakit. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Annual Community Development Day alinsunod sa Proclamation No. 314.
Ito rin ay kaugnay sa paglulunsad ng programang KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) ng DILG, na naglalayong pagsama-samahin ang mga pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili at makapagbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran para sa lahat sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga yunit ng lokal na pamahalaan at pagpapagana ng komunidad. partisipasyon na nakaangkla sa tradisyon ng “Bayanihan.”
Layunin din nito na ipaabot sa publiko ang kahalagahan ng paglilinis sa kapaligiran at tamang pagtatapon ng basurang nakakasama sa ating kalusugan.