Mga Kabataan ng Apayao, nakiisa sa “Amazing Race”
Aktibong nakiisa ang mga kabataan ng Santa Marcela, Apayao sa 2-araw na Youth Development Session (YDS) na ginanap sa Youth Center, Bacut Lake Eco-Tourism Complex noong ika-22 ng Disyembre, 2024,

Ang YDS, na may temang ‘Nourishing Dreams, Shaping Futures, Ensuring the Rights to Health and Well-being of all Children and Youth,’ ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development-Apayao at 1st Apayao Provincial Mobile Force Company.
Isa sa mga highlight ng YDS ay ang ‘Amazing Race,’ isang masaya at mapaghamong team-building activity kung saan sa pamamagitan ng iba’t ibang obstacle courses, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na palakasin ang kanilang pagkakaisa, pamumuno, at kakayahang mag-isip nang estratehiko.
Ang aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa YDS ay nagpapakita ng kanilang kahandaan na maging bahagi ng pagbabago sa kanilang komunidad. Naniniwala na ang mga kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, layon ng mga organizers na mapalapit sa mga kabataan, bumuo ng tiwala, at magtatag ng isang positibong ugnayan. Inaasahan na ang mga aktibidad na ito ay mag-uudyok sa mga kabataan na maging aktibong kasali sa pag-unlad ng kanilang komunidad.